Escaping in my mind.



Fun night with my girls :)

Seminar day namin sa school and pagkatapos nun 5pm nag Chill lang kami sa isang Bar sa may españa. Ang saya kahit 3 hours lang kami nag hang-out. Mas nakilala namin ang isa’t-isa dahil sa laro naming truth and no dare. Lol! Nagkaalaman ng secrets and ang masaya nun mas tumibay ang friendships namin. Sa totoo lang 7 kami kaso yung dala lalaki eh girl bonding muna kami para mas masaya. I love them! Super thankful ako nakilala ko sila. :)

Goodnight! ^_^

Posted 2 months ago reblog 2 notes

Hermana 2014 (05-24-14)

After 9 or 10 years nakasali ulit ng santacruzan.

Nakakapagod talaga mag ganito dahil tiis ganda ka talaga. Titiisin mo ang init, sakit ng paa sa haba ng lalakarin, bigat ng gown, pagod at gutom.

Pero worth it naman dahil kahit ngayong araw lang nafeel ko na ang ganda ko. Lol!

Thanks din sa aking escort na si Kuya Kim Oneza na aking pinsan dahil buong lakad namin pinapaypayan nya ako Hahaha!

Salamat din sa aking pinsan na si jowee De guia na kapatid ng Hermana ngayong 2014 sa pagpapahiram ng gown, dahil kung wala tong gown, di talaga ako sasali haha

Goodnight :)

Posted 4 months ago reblog 3 notes

May isang tao sa buhay ko na kinaiinisan ko ngayon ng sobra


  • Noong bata pa kami, malimit kami mag-away sa hindi ko malamang dahilan. Nagbabatuhan ng kung ano-ano, nagkakasakitan at nagkakasigawan at mauuwi sa iyakan at sumbungan.
  • Pero nagkakasundo naman kami sa mga ibang bagay tulad ng panonood ng movies, bagong labas na korean series at minsan sa fashion. Malimit nya ako pagtawanan sa mga maling English ko at sa mga kalokohan ko at doon ko nakikita na masaya sya kapag magkasama kami.
  • Ngayon sa isang iglap lang nawala lahat ng saya na yun. Nakakalungkot dahil nasira ang buhay nya sa pag-ibig. Naloko siya nung una nyang boyfriend at ngayon nagkakagulo ang buhay namin dahil sa karelasyon nya ngayon na tomboy.
  • Ang ate ko ang tinutukoy ko. Nalulungkot ako ngayon dahil sa sitwasyon ng magulang ko. Malimit ko ng nakikitang umiiyak ang mommy ko at ganun din daddy ko dahil sa ugali ng ate ko. Mas pinaniniwalaan at pinakikinggan pa kasi niya yung mga sinasabi ng tomboy kesa sa pangaral at salita ng magulang ko sa kanya.
  • Nito lang nagbalak magpakamatay ng ate ko (nababasa ko lang sa mga text nya sa daddy ko). Sobrang alala ng daddy at mommy ko nun dahil hindi namin malaman kung asan sya dahil umalis sya ng bahay na dala halos ng damit at gamit nya at hindi sya nagrereply or sinasagot mga text at tawag namin. Ang ginawa ng daddy ko, pinatext nya dun sa tomboy kung asan si ate at nagreply daw agad. So nalaman ng daddy ko kung asan ate ko at pinakiusapan yung tomboy na pauwiin na ate ko sa bahay.
  • Simula nun hindi na kami kinikibo ng ate ko. Bawat salita namin di nya pinapakinggan at wala syang ibang ginawa kundi daanan lang kami na parang hindi nya kami kilala.
  • Naawa naman ako sa magulang ko dahil ginagawa naman nila ang lahat para bumalik sa dati ang relasyon namin sa ate ko pero matigas talaga ang puso ng ate ko.
  • Hindi rin naman ako perpektong anak at nagawa ko na ding saktan magulang ko pero sa pangaral lang ng daddy ko, natutunaw ang puso ko at nagkakasundo agad kami. Dahil hindi matiis ng anak ang kanyang magulang at ganon din ang magulang sa anak kaya hindi ko maintindihan sa ate ko bakit nakakayanan nyang talikuran magulang namin ng ganun-ganun na lang ng dahil lang sa tomboy na yan!
  • Nagagawang kong tumahimik at tingnan na lang ang mga nangyayari sa loob ng bahay namin pero ang totoo hindi ko na nakakayan na ganito ang sitwasyon namin. Nagagawa kong maging masaya kasi ayokong nakikita na laging malungkot ang magulang ko at sa ganoong paraan nagagawa kong pasayahin sila. Kaya naiinis ako sa ate ko dahil hindi nya nakikita na iniiyakan siya ng mommy at daddy ko tapos ako ang laging nakakakita nun kaya masama ang loob ko sa ate ko. Hindi nya alam na sobra-sobrang pag-uunawa na ang binibigay nila sa kanya tapos luha at sakit lang ang ibabalik nya. 

Wala akong makausap at Diyos lang nakakaalam ng lahat. Kaya sa ganitong paraan gumagaan pakiramdam ko. 

Goodnight.


Posted 4 months ago reblog 3 notes

So scared!


March 30,2014
1:20am

  • Nagising ako dahil may sasakyan na parang nagcrush dahil may nabundol na aso. So that time gising na ako at hindi na ako makatulog. Binuksan ko yung electricfan kasi nainitan ako at nag-ipod na lang muna ako. 

2:00am

  • Dumating yung kuya ko galing gimik so yung dad ko gumising din para isure kung si kuya ko nga yung dumating. 

3:00am

  • Gising padin ako at pinipilit ko ng matulog pero hindi ako makatulog. Tinext ko yung boyfriend ko kasi night duty sya nun kaya alam kong gising sya at saktong nagreply sya. Saglit lang kami nagkatext dahil pinapatulog na nya ako kasi masyado pang maaga so i decided na matulog na talaga. 

4:30

  • Gising padin talaga ako. Siguro mga ganitong time na yun narinig ko bumukas yung pintuan ng mom at dad ko, mga ganitong oras kasi pinapatay nila yung electricfan ko kasi alam nilang sinisipon ako. Narinig ko bumukas din yung pintuan ko so alam ko papatayin yung electricfan ko kaya pumikit ako at nagkukunwaring tulog. But nangyari ang nakakatakot na part.
  • Nung pumikit ako, naramdaman ko na may tumabi sa akin as in lumubog yung right part ng bed ko tapos minulat ko ng sobrang konti lang yung eyes ko at nakita ko isang girl sya na black and white tapos face lang nya yung nakita ko. Para syang nanggugulat na mag sounds pa talaga. Yung ang sound na ginagawa nya eh pinaglalaruan nya yung dila nya ganun. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa then bigla na lang ako napabaligwas sa kama at dumaretso ako sa kwarto nila mom and dad. Sobrang takot na takot ako na simula nung time na yun umiiyak na ako.
  • Pagkababa namin sa kwarto nagising din ako kuya ko sa iyak ko at nagkkwento na ako. The worst thing, nangyari din daw sa kuya ko yun at sa dad ko. Sabi ng dad ko binabangungot lang daw ako pero nakakatakot! First time ko lang maramdaman ang ganung feeling at grabe sobrang worst feeling ever!

I’m praying that it would not happen again. Matatakutin at duwag pa naman ako. Sabi pa ng dad ko nagyayari daw sa lahat ng tao yun. Totoo ba? Grabe I’m so scared talaga :((


Posted 6 months ago reblog 12 notes

March 8, 2014


image

image

image

  • My baby visited me 10am in the morning :) He always surprised me with a hugs and kisses which are so priceless :) Why so sweet huh? lol
  • Then after lunch he went home.
  • My housemates wants to go to SM San Lazaro just to eat. So we decided to eat in Chicken Charlie :) We’re the only people inside so we can talk and laugh loud :))
  • The very sulit meal which is only 59 pesos and it’s taste good! we’ll definitely come back here.

Spent my day well today :) Thanks for these people! i love them so much :*  


Posted 6 months ago reblog 3 notes

1st Day of March


image

Saying GOOD EVENING

  • Pumunta sya sa bahay para bigyan ako ng dinner na spagetti na luto ng mommy nya :)
  • Then punta sya sa bahay ng friend nya (si Billy) na katapat ko lang ang bahay :)) 
  • 10 pm ang kitaan nila kaya kinulit nya muna ako bago sya umalis.lol
  • May celebration sila ng friends nya dahil pasado sya sa lahat ng subjects at mag-iintern na sya :)

Thanks baby for making me smile and doing crazy stuffs like on the photos. I love you always :)

So goodnight! Sweet dreams everyone :*


Posted 7 months ago reblog 2 notes

Flair Night: Tonight’s Dream, Tomorrow’s Memories


February 24, 2014

A night to remember with people who are definitely gave me smile to my face these days. 

A fun night that I surely treasure.

I love these people. 


Posted 7 months ago reblog 2 notes

2014 Valentines Day


Buong araw ko sya kasama at sobrang saya lang. 3 years na nya ko nasusurprise tuwing valentines day at unexpected padin. Ang galing nya! HAHA

The story behind…

  • 10am may kumatok sa pintuan ng apartment ko at pag-open ko ng door may bouquet at personalized na chocolates (sya mismo gumawa).
  • Nagtataka pa ako kung sino yung naglagay ng mga yun sa labas ng door ko kasi may gate yung apartment namin na mga tenants lang may susi at may isa pang door na kelangan buksan para makapasok sa apartment namin then pang 3rd floor pa ako.
  • So palingon-lingon ako at nagtataka kung sino yun. Then may terrace kasi malapit sa door ng apartment ko at may nakita ako sumisilip (medyo kinabahan pa ako nun kung sino sya)
  • Bigla na lang nagpakita at boyfriend ko pala. Gulat na gulat at nagtataka pano sya nakapasok :))
  • Then I’m surprised kasi ang effort nya lalo na yung personalized na chocolates ^___^ 
  • After that cheezy moment nagpunta na kami SM San Lazaro at nanuod ng Starting all over again. (i enjoyed the movie)
  • Naglunch kami sa tokyo tokyo at libre ko (coz talo ako sa pustahan namin sa gin vs san mig) kasi nanalo ang san mig nya.lol
  • Sinamahan nya din ako mamili sa supermarket.
  • Then we went home. :)
  • At nalaman ko na kasabwat nya pala yung kadorm ko at hiniram nya yung susi ng bahay. HAHA

Nafeel ko na super special ako. Thanks to my baby. I love him so much and I’m always happy being with him. 

Happy Valentines to all. <3


Posted 7 months ago reblog 2 notes

Just an ordinary day


February 11, 2014

image

image

image

image

imageimage

With my college friends @ kath”s boyfriends place. 

  • Kath - the one with short hair and wearing stripes
  • Patrice - the one with short hair and wearing a white uniform
  • Leiz - the one with long hair and wearing also a uniform
  • Billy - the only boy wearing a red polo shirt.
  • Me - the one who is wearing black t-shirt 

Just an ordinary day but happy. :)


Posted 7 months ago reblog 1 notes

Baby Reese Christening


February 9, 2014

happy day with my relatives. I miss hanging out with my cousins. 

my nephew (reese) is so cute!!!


Posted 7 months ago reblog 1 notes

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 »
The Blogger


Happiness is a journey.. not destination.
Hi I'm Ilonah Mae Valenzuela Ramos.
MedTech student. 20 years old.







Blog Stats



Connect



Disclaimer

All images and notes found in my blog are all mine except for those I reblog. Similarities and copying of any content in my blog without any permission is strictly prohibited. If you will use any of the content in this blog, you must give me some credits or use my blog as the source. Thank you for understanding. Good day.